Kakauwi lang ni Mr. Monreal sa
kanilang probinsya. Mahigit sampong taon na rin mula nang muli syang napagawi
sa kanyang bayan. Marami nang pagbabago ang kanyang nadatnan Hindi na rin sya
pamilyar sa ilang mga gusali na nakatayo dito. Nakasakay siya sa kanyang kotse
kasama niya ang kanyang anak na si Nilo dalawa ang layunin niya kung bakit kasama
niyang umuwi ang kanyang anak. Ang una ay nais niyang mapalapit ang kanyang
anak sa kanyang lola na matagal na rin nilang hindi nakakasama. Ang ikalawa ay
nais niyang magkaroon ng panahon sa kanyang asawa at at maisalba ang nanlalamig
nilang relasyon. Dahil mula ng magkaanak sila ay tila nawalan na sila ng
panahon sa isat isa nagbababad na lang siya sa pagtatrabaho at marami ring
gumu-gulo sa kanyang isipan kaya naman madali syang mainis kahit sa mga
simpleng bagay lang
Sa kanyang pagmamaneho bigla na
lang mayroong kumalabog sa kanyang kotse na naging sanhi upang magising ang
kanyang anak mula sa pagkakatulog nito. Agad naman niya itong binilinan na
huwag na itong lumabas. Inalis niya ang seatbelt sa pagkakatali sa kanyang
katawan at agad syang lumabas ng kotse upang tiyakin ang nangyari sa kanyang
sinasakyan. Pagkababa niya bigla na lang sumambulat sa kanya ang sabog na gulong
ng kanyang kotse at nahanap niya ang naging
sanhi nito pagkakakita niya ng ilang piraso ng bubog sa kanyang paligid. Naiinis
sya dahil nagmamadali siya kailangan niyang maihatid ang kanyang anak at batid
niyang hihintay na ito ng kanyang ina
Maramdaman niya ng kumukulong
inis sa may kagagawan sa paglalagay ng bubog sa kanyang daraanan “dito pa
talaga sa tulay na ito mga bwesit talaga ” Lumabas ang kanyang anak sa loob ng
kotse at nabulyawan niya ito “sinabing na wag nang lumabas di ka
nakakaintindi!! Humikhikbing pumasok ang kanyang anak sa loob ng kotse.
Batid nyang di dapat nya
sinigawan ang kanyang anak dahil nasa anim na taon pa lang at hindi pa
masyadong naiintindihan ang ibang bagay sa mundo ng mga tao
Luminga- linga sa kanyang paligid
ngunit wala siyang ibang nakitang tao maliban sa kanyang anak Sinubukan nya
ring tawagan ang ilang kakilala nya ngunit isa man sa kanila ay walang
sumasagot. Maliban sa kanyang dating kaibigan at sinabi nya rito ang kanilang
sitwasyon ngunit sumagot ang kanyang kaibigan na hindi ito agad makakapunta sa
kanilang kinalalagyang sa kadahilanang nasa importanteng okasyon daw ito
walang dumadaan sa tulay na nya
dahil ito ay bihirang daaan ng mga tao sapagkat mayroon ng bagong tulay na
ipinagawa ang dati nilang mayor ngunit iniiwasan niya ang bagong gawang tulay na
yun, hindi iniiwasan niya ang maraming tao, ang trapic, ang amoy ng polusyon
ang simoy ng mainit na hangin ayaw niya iyon kayat napili niyang dumaan sa
dating tulay dahil tila mayroong nang-aakit na alaala sa kanya sa lugar na yon
Makaraaan ang ilang saglit ng
tila wala na siyang maisip na paaraan upang maisalba ang kanyang kotse ay Sumilip sya sa ilalim ng tulay minasdan niya
ang nagniningning na kislap nito sanhi ng pagtama ng palubog na sikat ng araw, Nagsilbing
salamin ito sa kanya nakita niya ang kanyang sarili hangang sa unti unti na
lang nagbago ang nakikita nyang larawan nakita nya ang batang sarili nya dito
Teka ito nga ang tulay na yon
dito nagsimula ang lahat. Noong bata pa lang sya ay sa ilalim ng tulay na
ito malimit na magtambay sapagkat wala
pang isang kilometro ang layo nito mula sa kanyang dating paaralan madalas sya
dito kasama ang kanyang mga kaklase Pinagmasdan
niya ang tulay. Mahahalata ang pagiging luma ng tulay na ito dahil sa mga lumot
na nakapulupot sa mga haligi nito. Naroon pa rin ang mga sulat at mga drawing
na ginawa nya kahit na bahagyang kumupas at nawala na ang ilang bahagi nito Nakasulat din sa haligi ng tulay ng tulay ang “mahal
kita” at ang pangalan ng kanyang dating iniibig. Napangiti sya ng bumalik sa
kanyang alaala ang kanyang kabataan. Ang tulay na ito ang naging saksi sa mga
plano at pangarap niya sa hinaharap Totoong ngang nababalikan ang lugar ngunit
ang panahon ay hindi na.
Ngunit hindi lang magagandang
alaala ang bumalik sa kanyang isipan gayundin ang Ilan sa kanyang mga naging
masamang karanasan sa ilalim ng tulay. Nong ika labing tatlong taon sya isang Dapit
hapon at katatapos lang nilang lumabas
sa paaralan. nagkakayayaan ang kanyang mga kaklase sa ilog na ito. mainit ang
sikat ng araw sa maghapon kayat nakakaakit ang magbasa ng katawan sa ilog kayat
kahit na malakas ang alon ng ilog. hindi siya
nagpapigil at ang kanyang mga kasama na maligo sa ilog kahit na noong
una ay naroon ang pangamba na maari silang sagpangin ng malakas na agos nito Ay mas nauna ang pagnanais na mabasa ang
kanilang katawan ng ilog na iyon
Labis ang kanilang pagsasaya
hanggang sa di nya namalayan na nasa malalim na parte na sya ng ilog at hindi
nya na maikampay ang kanyang mga paa mabigat na rin para ikampay pa ang kanyang
mga kamay kinakapos na sya ng hininga ngunit nais nya pang lumaban marami pa syang
nais magawa sa buhay nagdisesyon syang di
sya mamatay dito ngunit wala na syang lakas. napakawalan na rin niya ang huling
hangin sa kanyang bibig ang tanging magagawa na lang niya ang lunukin ang tubig
na iyon . Ito pala ang kapalit ng kanyang kasiyahan Pakiramdam niya ay
mamamatay na siya ng sandaling iyon at nakita na niya na unti unting nag
faflashback ang kanyang mga alaala mula sa kanyang pagkabata hanggang sa
makarating sya sa ilog na iyon
Mabuti na lang at may mga kamay na umabot sa katawan niyang kinakapos ng hininga. Pagkaahon ay masuka-suka sya. Hindi pa pala ito ang kanyang kamatayan nais nais na sana niyang tanggapin kani-kanina lang ang kanyang kamatayan Bumalik sa ulirat si Mr. monreal dapat pa nga palang magpasalamat siya dahil sa ikalawang pagkakataon ng buhay na iginawad sa kanya ng langit
Bumalik na siya sa taas ng tulay.
mahigit kalahating oras na rin ang lumipas. Pagkaakyat niya sa itaas ay
sinalubong siya ng kanyang dating kaibigang nakasama niya sa ilog na iyon at
nagpresenta itong ayusin ang nasirang gulong ng kanyang kotse at sabay na
umalis bago siya umalis ay nilingon nya ito ng saglit ang tulay dahil ito ang nagsilbi nyang tulay
upang mabalikan ang dating emosyon, pananaw paniniwala at alaala na matagal na nyang di
nararamdaman.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento