Banaag at sikat - isang pagsusuri



Pagsusuri sa nobelang Banaag at Sikat

I. Ang May-akda

Si Lope K. Santos ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na Ama ng Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas. Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita.

Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg. Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero 1900, at nagkaroon sila ng limang anak.  Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.

II. Ang Buod

Hinggil sa mga buhay ng magkaibigang Delfin at Felipe ang nobelang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos: Si Delfin ay isang sosyalista, samantalang si Felipe ay isang anarkista. Bilang sosyalista, naniniwala at hinahangad ni Delfin na mapalaganap ang kaisipang sosyalismo sa lipunan, kung saan ang mga mamamayan ang may higit na karapatan sa lahat ng mga gawaing pangangalakal, mga pag-aari, at mga pagawaing pambansa. Bagaman isang mahirap na nag-aaral ng abogasya at nagtatrabaho bilang manunulat sa isang pahayagan, matindi ang paniniwala ni Delfin na matatamo lamang ang isang lipunang makamaralita sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan, isang pakikibakang hindi nababahiran ng pagdanak ng dugo. Si Felipe naman na may adhikaing anarkismo ay naniniwala sa marahas na pagbuwag sa mga namamayaning kapangyarian at kalupitan ng mga mayayamang nagmamay-ari ng mga lupain. Ibig niyang pawiin ang mga abusadong maykapangyarihan na naghahari sa lipunan. Bagaman anak ng isang mayamang pinuno ng bayan, kinamumuhinan ni Felipe ang mga gawi at karahasan ng kaniyang ama. Mas mamarapatin niyang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang lahat ng uri ng mga mamamayan: walang pagkakaiba ang mahihirap at ang mayayaman.

Dahil sa pagkamuhi sa nakagisnang buhay bilang mayaman at anak ng isang marahas na may-salapi, nilisan ni Felipe ang tahanan ng kaniyang ama para mamuhay bilang kaisa ng mga maralita. Iniwan niya ang marangyang pamumuhay upang makasama ang mga karaniwang uri ng mga mamamayan ng lipunan. Nakitira si Felipe sa tahanan ng isang amain sa kumpil sa Maynila. Gayunman, kinamuhian din niya ang amaing si Don Ramon dahil wala itong pinagkaiba sa kaniyang ama: mayaman at malupit sa mga tauhan nito.

Umibig si Felipe kay Tentay, isang babaeng mahirap subalit may dangal. Pinilit si Felipe ng kaniyang ama na magbalik sa kanilang kabahayan sa bayan ng Silangan, ngunit napalayas lamang dahil sa pagtuturo ni Felipe sa mga tauhang magbubukid at utusan sa bahay ng kanilang mga likas na karapatan bilang tao.

May tatlong anak si Don Ramon, na amain ni Felipe, at inibig ni Delfin ang isa sa mga ito. Nang magbunga at magdalang-tao ang anak na si Meni, itinakwil ito ni Don Ramon. Sumama si Meni sa kasintahang si Delfin at namuhay bilang isang mahirap. Dahil sa ginawang ito ni Meni, nilisan ni Don Ramon ang Pilipinas, kasama ang isang tinatangkilik at kinakasamang katulong sa bahay. Napatay si Don Ramon habang nasa New York, kaya binalik ang kaniyang bangkay sa Pilipinas. Si Ruperto, ang dating nawawalang kapatid ni Tentay, ang nagbunyag ng dahilan kung bakit pinaslang si Don Ramon: ang kalupitan nito sa kaniyang mga utusan.

Nagtapos ang nobela sa pagpapaiwan nina Felipe at Delfin sa may puntod ni Don Ramon. Pinag-usapan nila ang kanilang mga adhikain, paniniwala, at paninindigang panlipunan. Nilisan nila ang libingan na sinasalubong ang kadiliman at kalaliman ng gabi.

III. Uri ng panitikan

Nobela

IV.  Tagpuan  

Sa Batis ng Antipolo at  Maynila

V. Oras at panahon

Mayo - Hunyo 1904

 

VI. Talasalitaan

1. mabata- Ang mabata ay isa sa mahahalagang sangkap upang magkaroon ng magandangrelasyon sa asawa.

2.panibugbo-duwag o takot sa kalaban.

3.sapantaha- may suspetsa

4.makapupong- daluyong o daloy ng tubig

5.concordiana- Tamang pagkakatugma pangungusap

6.karikitan - kanais-nais na itsura.

7.patighaw – maluwag sa loob

8.taong-bapor – mahihirap

9.aandap-andap–umiilaw

10.natatalos-nadarama o nilalamanp

11.natigmak – mababad

VII.Mga Tauhan

Don Filemon - mayaman at kasosyo ni Don Ramon  sa negosyo

Don Ramon - mayaman, ninong sa kumpil ni Felipe

Meni - anak ni Don Ramon at umiibig kay Delfin

Talia - anak ni Don Ramon

Isiang - Anak ni Loleng

Turing Madlanglayon - Kaibigan ni Talia

Delfin - umiibig kay Meni at isang manunulat

Felipe - kaibigan ni Delfin at may prinsipyong pagkakapantay-pantay

VIII. Mga Suliranin

 

Sa bahagi ng unang kabanata, ang mga umusbong na suliranin ay ang pagiging mapang angkin nina Don Ramon at Felimon sa Batis. At ang pagiging selosa ni Meni kung kaya’t nais malaman ni Delfin ang tunay na estado nila ni Meni.

IX. Mga Pangyayari

Sa unang kabanata,matutunghayan ang pagkaganid ng mga Don sa ibang mahihirap at ang pangmamaliit nila. Sa usaping pag-ibig ng kanilang mga anak,kailangang kauri rin nila.

X. Kinalabasan

 

Palihim ang pagpapalitan ng matatamis na salita nina Meni at Delfin dahil sa kahigitan ng ama ni Meni nasi Don Ramon

XI. Pagpapahalaga Sa Tauhan

Ang pagpupursige at pagiging tapat ni Delfin, ang dahilan kung bakit iniibig din ito ni Meni. Hindi sila nagpahadlang upang hindi matuloy ang pag-iibigan nila.

XII.       Pagpapahalaga Sa Katayuan Sa Buhay

Mapapansin sa nobelang ito ang isyu ng pang-aapi ng mayaman sa mahirap. Ipinaglaban ng mahihirap ang kanilang karapatan na hindi lamang ang mayayaman ang may karapatang magtamasa ng kalikasan na likha na Diyos kundi maging sila. Ipinakita ang pagpapahalaga sa tao, na kahit mayroong iba’t ibang estado ang sa lipunan,dapat manaig ang respeto sa kapwa.

XIII.     Pagpapahalaga Sa Magagandang Kaisipan

Bigyan ng respeto ang kapwa at ipadama ang pagmamahal. Sapagkat kung minamahal at nirerespeto muna natin ang ating sarili, gayundin ang gagawin natin sa ating kapwa. Walang magiging ganid o maaapi kung alam natin na tayo bilang mga tao ay nananalig sa Diyos.

XIV. Teoryang Pampanitikang Gamit Ng Akda

Ang angkop nea teoryang pampanitikan sa nobelang Banaag at Sikat ay ang Realismo, sapagkat kakikitaan ito ng  tunay na nangyayari sa lipunan. Ang mayaman lang ang may kakayahang magpairal ng kapangyarihan at ang mga mahihirap ay ang syang naaapi.At ipinakita sa bahaging ito ang pakikipaglaban ng karapatan ng bawat indibidwal, lalo na sa mahihirap. Dapat sa isang lipunan, pinapairal ang batas na magiging batayan ng pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga tao.

XV. Gintong Aral

Ang pagmamahal ay matatagpuan sa paninidigan. Ang pagkakaroon ng ipinaglalaban ang tunay na makapagbibigay ng kaligayahan at pag-ibig. Kahit kadugo ay hindi makapagbibigay ng pagmamahal na wagas at totoo kung makasarili ito at walang ibang iniintindi kung hindi sarili.

https://fil.wikipilipinas.org/view/Banaag_at_Sikat

https://www.wikiwand.com/tl/Lope_K._Santos

https://www.academia.edu/13027038/BALANGKAS_NG_PAGSUSURI_NG_NOBELA_NI_MARY_FLOR_BURAC


Mga Komento