Ang pagpapaubaya ay kaakibat ng pagmamahal
Ito ay pagbibigay natin ng tao, bagay, at panahon kahit na masakit
tanggapin o hindi. Ito ay kusang loob na pagbibigay para sa mahal natin o dahil mahal
natin. Ang pagpapaubaya ay hindi
nangangahulugan na hindi natin ito/sya kailangan. nagpapaubaya tayo dahil alam
natin sa ating mga sarili na higit na mas nangangailangan ang ibang tao kaysa
sa atin. Isinasantabi natin ang ating mga sariling interes para sa kapakanan ng
ibang tao Ang ganitong sitwasyon ay ebidensya na hindi tayo makasarili kundi
iniisip at pinahahagahan ang pangangailangan ng ibang mga tao na nakapaligid sa
atin.
Marami rami naring mga kilalang tao ang nagpaubaya ng
kanilang mga sarili para sa kapakanan at kalayaan ng lipunan na ating
ginagalawan. Ang ibibigay kong paghahalimbawa ay ang mga ginawa ng mga bayani
marahil kung sarili lang nila ang kanilang iniisip ay hindi sila magtatagumpay
na maisakatuparan ang natatamasang nating kalayaan. Mayroong ilan sa mga bayani
na maayos naman ang pamumuhay at hindi nila kailangang makisangkot sa mga nangyayari sa lipunan ngunit ipinaubaya ang
kanilang sariling katayuan. Nawala ang karangyaang tinatamasa, pinagkaitan ng
kalayaan at kinitil ang kanilang mga buhay para sa kapakanan at kalayaan ng
nakararami
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento