Pagususri sa pelikulang Magnifico

 






Tema

Ang pelikulang ito ay maihahalintulad sa totoong nangyayari sa buhay ng isang tao Ipinakita sa pelikula na ang pagtulong sa kapwa ay hindi nasusukat sa gulang o edad. Ang kabusilakan ng puso sa pagtulong at pagmamagandang loob ay hindi natatawaran ng anumang bagay Makikita rin dito ang kalagayan ng karamihan sa mamamayang Pilipino. Makikita sa pelikula ang kahirapan na kahit sa kasalukuyan ay nararanasan ng ating bansa. Ipinakita rin na ang pagmamahalan ay hindi nakahahadlang ang anumang estado ng pamilya. Sa totoong nagmamahal  Maging mayaman man o mahirap ay may karapatang ibigin . Naisabuhay rin ng pelikula na ang anumang kabutihang ginagawa natin sa ating kapwa ay masusuklian din ng kabutihan

Kuwento

Isinilang si Magnifico sa isang pamilyang maituturing na isang kahig, isang tuka Nanggaling ang pangalan ni magnifico sa ngalan ng isang mahikero sa perya na hinagangaan ng kanyang ama. Isang karpentero ang kanyang ama habang ang kanyang ina ay nagbuburda lamang upang pagkakitaan. Walang maayos na pinagkakakitaan ang kanilang pamilya kaya’t di sila nakakakain ng maayos sa araw-araw. Ngunit sa kabila ng kahirapan, lumaki si Magnifico na matulungin at bukas palad lalo’t higit sa kanyang lola na may taning ang buhay, at sa nakababatang kapatid na mayroong sakit. Nagsimula ang problema sa kanyang pamiya ng magkasakit ang kanyang lola na dinagdagan pa ng pagkakatangal ng iskolarship ng kanyang kuya na siyang tanging inaasahan ng ama na mag-aahon sa kanila sa kadukhaan. Laging naririnig ni Magnifico ang pagtatalo ng kanyang mga magulang lalong-lalo na tungkol sa gagastusin kung sakaling papanaw na ang kanyang lola. Sa sobrang kahirapan at sa pagnanais na makatulong, gumawa ng maraming paghahanda si Magnifico para sa pagpanaw ng kanyang lola. Siya, kasama ang kanyang kaibigan, ay gumawa ng kabaong at nag-ipon ng pera upang ipambili ng bulaklak sakaling mamatay ang kanyang lola. Isa rin sa naging problema ni Magnifico ang kapatid na may kakulangan sa pag-iisip kung kaya Naglaan siya ng panahon at oras upang matiyagang alagaan at turuan ang kapatid. Sa paglipas ng mga araw, natutunan nito ang ilang salita tulad ng “nanay” at “tatay” na bahagyang inibsan ang kalungkutan ng pamilya. Bukal sa puso ni Magnifico ang kabaitan at pagtulong. Lahat ng tao ay nakikita ang kanyang kabutihang taglay kahit na ang babaeng itinuturing ng lahat sa kanyang lugar na masungit. Ngunit isang araw, sa pagpunta niya sa bahay ng isang lalaki upang kuhanin ang wheel chair para sa kanyang kapatid ay nasagasaan siya ng humahagibis na sasakyan na nagwakas sa kanyang magandang buhay. Lahat ng preparasyon na kanyang inihanda para sa burol ng kanyang lola ay naging pangunahing pundasyon sa kanyang libing. Maraming tao ang dumalo sa burol at tila nagluksa ang buong bayan sa pagpanaw ng isang batang lubos nagpabago sa buhay ng bawat isa.

Pamagat

Ang pamagat ng pelikula ay ibinase sa pangalan ng pangunahing tauhan at sa kabuuan ng pelikula dahil totoong magnificent ito o kahanga-hanga

Diyalogo

Ang lenggwahe sa pelikula ay matino at angkop sa takbo ng mga pangyayari. mayroong maayos  na pagkakalapat  ng  bawat  salitang  kanilang  isinasambit. Simple at karaniwan ang mga eksena na laging dahilan kung bakit Madali makaantig ng puso ang bawat eksena sa kwento. Bawat tauhan ay may kani-kanilang paraan upang bigkasin ang mga salita at naaapektuhan nito ang  kwento

Tauhan

Ipinapakita ng bawat tauhan sa pelikula ang ibat ibang katangian ng mga Pilipino at ang ibat ibang mukha ng tao sa lipunan.Tulad ng isang karaniwang tao, ganun din ang mga tauhan dahil sa  makatotohanan nga ang nagaganap sa mga pangyayari. Bawat tauhan ay may kani-kanilang karakter na ginagampanan gayun din ang kanilang papel sa pelikula. Tulad ng isang karaniwang tao, ang bawat-isa ay may kani-kanilang kalakasan at kahinaan Silang lahat ay makatotohanan sa pagganap ng kanilang ginagampanan sa pelikula.  Madaling masakyan ang bawat eksena dahil makikita dito ang  tunay na ugali ng pinoy sa isang partikular na sitwasyon.  Ang sitwasyon ng pamilya nina Magnifico ay isang maralita  ngunit nagsusumikap na makaahon sa kahirapan. Ang bawat Pilipino  na nakapanood nito ay madaling maaantig ang damdamin sa nais ipahatid ng bawat eksena. Ipinapakita ng bawat tauhan sa pelikula ang iba’t ibang  larawan nang buhay ng mga Pilipino at ang iba’t ibang mukha ng  tao sa lipunan.

Cinematograpiya

Maayos ang anggulo ng kuha ng pelikula ang kulay nito ay napakasimple na nagpapadagdag ng pagkadramatic nito.  Angkop ang kasuotan ng mga tauhan sa tema ng palabas. Bagaman medyo madilim ang ilaw nito ay ipinapakita lamang nito ang pagiging klasiko ng pelikula

Mga Komento