Mahigit labing limang taon na rin ang nakalipas nang ihatid
ako ng aking ama sa bayan ng san fransisco, Bakasyon noon at mainit ang panahon,
agad akong sinalubong ni lola ng isang mahigpit na yakap iyon ang una naming
pagkikita ng personal kahit na nakikita ko ang ilan sa mga litrato ng
ipinapakita sa akin ng aking ama ay iba pa rin ang pakiramdam na Makita ko si
lola ng harapan
Mabait si lola palagi nyang ikinekwento ang mga naging buhay
ng aking ama sa kanilang lugar Isa-isa nya ring ipinakilala sakin ang aking mga
kamag-anak sa baying iyon. Mababait rin mga tao sa probinsya. Magiliw nila
akong tinatanggap sa bawat okasyon tuwing isinasama ako ng aking lola nagkaroon
din ako ng mga kaibigan sa probinsya
Masaya ang naging buhay ko sa probinsa at marami akong
naging mga kaibigan na kasing edad ko lang nakikilala ko rin ang ilan sa aking
mga pinsan. Pinapayagan naman ako ni lola na sumama sa kanila halos mapuntahan
na naming ang lahat ng sulok sa bayan ng san francisco
Lahat ng lugar sa bayan ng san Francisco ay pinapayagan ako
ni lola dahil ligtas naman daw ang lahat ng sulok ng ng bayan higit pa roon at
marami ding sundalo ang nagroronda kada gabi kaya naman mararamdaman ko ang
kapayapaan sa bawat sulok ng bayan
Isang lugar lang ang pinagbabawal sakin na aking lola iyon
ang isang maliit na barong barong sa na makikita sa tabi ng ilog. ang sabi nya’y
wag na wag akong pupunta dito at tinatakot pa niya akong itoy daw ay tahanan ng
isang aswang
Kilala ng lahat ng tao ang nakatira sa bahay na iyon siya ay
si aling Corazon mahigit apatnapu na ang edad niya
Si aling Corazon
Pumasok na nga ako sa bahay ni aling Corazon nais kong
tiyakin kong totoong kinakatay nya ang mga tao sa kanilang bahay
Tinitigan ko syang mabuti habang nakaupo ito sa hagdanan ng
kanilang bahay wala naman akong nakitang mahahabang kuko at matutulis na ngipin
at hindi rin naman nagbabago ang kanyang anyo
Magbabadya na sana akong umalis nang matabig ko ang isang
piraso ng kahoy na naging dahilan upang Makita ako ni aling Corazon
Nangilig ang aking tuhod na naging dahilan ng upang mawalan
ako ng balanse sa pagkakatayo ang lalim ng pagtitig sa akin ni aling Corazon
nais kong umalis ngunit wala akong lakas upang tumayo sa pagkakadapa
mula sa pagkakadapa ay
sumigaw ako ng malakas hanggang sa magsidatingan ang ilan sa mga tao
pinagbabato nila si aling Corazon
walang nagawa si aling corazon kundi ipangharang ang kaniyang mga bisig
naiwan kami ni aling corazon na nakaupo sa damuhan
wala na ang mga pangil at mahahabang kuko na nakita ko kani-kanina lang ang tanging nakita ko ay ang pagpatak ng luha sa kanyang madungis na pisngi
dumating si lola sa lugar na kinalalagyan ko kinagalitan nya ako at panay ang angaw sa akin hanggang makauwi kami sa aming bahay
kapag naaalala ko ang mga araw na magkasama tayong dalawa pinipikit ko aking mga mata ganun na pala tayo dati kasaya
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento