Pagbabago
Dear tyo Yrot
Itago nyo po ako, anim kaming magkakapatid ngunit maagang kinuha ng langit ang isa kong kambal na kapatid. ako ang panganay sa aming lahat dahil dito nasakin ang responsibilidad na mapangalagaan ang aking mga nakababatang kapatid ngunit imbes na maging huwaran ay naging kabaliktaran
ako po yung tipong easy-go lucky wala akong pakialam sa mga
pag-aaral at ginagawa ko ang mga bagay na hindi ginagawa ng mabuting estudyante
samantalang ang lahat ng aking mga kapatid ay palaging umaakyat sa entablado at
may nakasuoot na medalya at lahat sila ay nakatungtung sa mga top section na
hindi ko man lang narating sa buong buhay ko.
Pero nabago ko naman ang pag-uugaling yon nang makatungtung
ako ng senior high school Nagbago ang aking pananaw sa buhay ng makilala ko ang
isang guro na nagpupush sa kin na lampasan ang limitasyon ko. siya ang guro ko
sa practical research medyo strikto sya ngunit mabait kung minsan. napakaterror nyang guro kahit na ayaw kong
mag-aaral ay napipilitan akong mag-aral dahil tiyak pag di ko inaral ang isang
paksa ay tiyak sasabunin nya ako hanggang sa isang araw parang naging normal na
sakin ang pag-aaral at naitanim nya sa
aking isipan ang mga kailangang kong gawin at lumapit ako ang mga responsibilidad na matagal ko nang
tinatakasan. malaking pagbabago ang inihatid saking ng gurong iyon na
magpatuloy sa pagaaral sa kolehiyo kahit na wala naman akong balak at hindi ko
naman ito plinano. Binago niya ang mga baluktot kong pananaw
Unti unti akong nababago sa pagdaan ng panahon nang hindi ko
namamalayan dahil sa patuloy lang akong nakikibagay sa takbo ng aking
kapaligiran at maraming pang masakit na pangyayari ang napagdaanan ko na
nagtulak sa akin upang magbago
Taong 2020
kasalukuyang sumasailalim sa pandemya ang buong pilipinas, isa ako sa
mga mag-aaral na naapektuhan na pangyayaring iyon napalitan ng online classes
ang dating face to face na moda ng edukasyon Dahil sa pangyayaring iyon ay umuwi muna ako
sa aming bayan at doon ko ipinagpatuloy ang aking pag-aaral Bilang panganay inaatang sa kin ng aking mga
magulang ang pag-aalaga at pamamahala sa aming tahanan Nagtratrabaho kase noon
si papa sa maynila at kasalukuyan namang nag-aaply si mama upang makapagtrabaho
sa ibang bansa nasa maynila rin siya noong panahong iyon Kaming magkakapatid
lang ang naiwan noon sa bahay at hindi naging madali para sa akin na
mapamahalaan ang bahay, nagkakaroon ako ng mas maraming Gawain na hindi ko
naman dati ginagawa dahil kasama ko pa noon ang aking mga magulang
Ilan lang sa mga Gawain ko ang paghuhulog sa card, pagkuha
ng modyul sa paaralan para sa apat kung kapatid na iba’t iba pa ang skedyul at
lokasyon ng paaralan hindi kase
pinamamayagan noon ng mga paaralan na pumasok ang mga edad 18 pababa sa
paaralan, kasama na rin ang pamamalengke, pag-aalaga ng mga hayop paglilinis ng
aming bahay, pagbabayad ng kuryente may mga kailangan pa akong lugar na
puntahan na di ko naman kabisado at ibat iba pang mga utos ng aking mga magulang
na kailangan kong tuparin
Dahil sa magkakalayo ang bawat lokasyon na dapat kung puntahan
napagpasyahan kong gamitin ang aming motorsiklo dahil na rin sa payo ng ilan
naming kapitbahay na mas magiging madali para sakin ang lahat kung magtututo
ako nito kayat napagpasyahan ko na
gamitin ang aming motorsiklo na matagal ding nakatenga sa bahay kinalas ko pa
ang gulong para maipa volcanize at pinakiaalaman ko ring ang ilang mga pyesa napakadali lang na kalasin ngunit ang hirap
pala nitong mabuo kahit saan ko nalang nilalagay ang mga turnilyo at bwala
natapos ko rin succesfull ang operasyon
mabilis kong nakabisa ang pagdadrive ng motorsilo dahil na
rin noong hayskul pa lang ako marunong na akong maglabalanse gamit ang
lumang bike ng aking kaklase sa loob ng
isang lingo marunong nako na magmotor sinubukan
ko na ring dalhin ang motor sa kabayanan lakas loob kahit na wala akong
lisensya tuwang tuwa akong umuwi sa bahay dahil nakaligtas ako walang
nangyaring masama at walang aksendente. Ngiti ng kapitbahay sumasalubong sakin
na para bang sinasabi ng ning ning ng
kanilang mga mata ang katagang aba ang husay mo na “kaya mo naman pala”
kakaibang paghanga sa sarili ang naramdaman ko noon
Makaraan ang halos isang buwan, isang normal na araw ,
katamtaman ang ihip ng hangin maganda
ang sikat ng araw kahit na medyo madulas ang daan bunga ng pag-ulan nitong nakaraang gabi. Nagpasya ako na mamalengke
dahil kulang na rin ang mga supply namin sa bahay Sumakay na ko sa motor,
sinimulan ko na ang malakas na pagbirit sa selenyador, ang malakas na ugong ng
motorsiklo nagpapadagdag sa king kumpyansa na magpatuloy. Nang maiangkas ko na
ang aking kapatid ay nagsimula ng umikot ang dalawang gulong ng motorsiklo
Inaamin ko na mabagal lang akong magpatakbo ng motorsiklo
ngunit para sa king kapatid ay mabilis na ang ginagawa kung iyon, di nya ako
naiintindihan ang sarap damhin ng hangin, di nya ba nararamdaman ang kalayaang
ito? Nang makaabot na kami sa pakrus na
daanan dahil di naman ako full time na
kaskasero binagalan ko na ang pagmamaneho. Mabagal lang dahil malapit na rin kami
sa kabayanan. Nang biglang may
humahagibis na Van bigla na lang sumulpot sa aking mga paningin
Isang puting Van nakabangga ako ngunit yung van ay
nagpatuloy pa rin sa tansya ko’y labinlimang metro ang layo sa amin nang bigla
itong tumigil at bumalis sa aming pwesto
Bumaba ang nagmamaneho ng Van, isang matandang lalaki pakiwari koy mga nasa sengkwenta anyos ang edad. Sa tingin ko ang lalaking ito ay mayaman ebidensya ang malaking kadenang ginto na nakapuloput sa leeg nya at kulay pilak at ginto ang nakasuot na relo sa kaliwang bahagi ng kanyang kamay maging ang punto ng kanyang pananalita ay iba rin, mapanglait
Habang inaayos ko ang motorsiklo sa pagkakatumba nito
tinanong ko rin ang aking kapatid kong ayos lang ba ang kalagayan nito “ ayos
ka lang ba? ok ka lang?” tumango lang sya sakin habang ipinapakita ang ilang
galos na nakuha niya sa aksedenting iyon pinalakas ko ang kanyang loob “ayos
lang yan malayo sa bituka” saad ko kasabay pagbibigay ko sa kanya ng mapaklang pagngiti
Nang makababa ang may
–ari ng Van ay parang maniningil agad ang
kanyang kilos sabay tingin sa nagagasan niyang van nakikiusap ako sa may ari ng
Van na “wag na nating itong paabutin sa pulis” Dahil alam ko wala akong
lisensya lugi ako sa sitwasyong ito “Paalisin nyo na lang ako pangako di na ako
magpapakita sa inyo” Habang
nagsisidatingan ang mga tao at tinatanong kung sino nga ang tunay na may
kasalanan akoy patuloy na nakikiusap sa may ari na patawarin. Ang lahat ng pagpapaawa ay binigkas ko na
kulang na lang ay lumuhod ako sa kanya habang hawak niya ang kanyang telepono
at tinatawagan ang mga pulis. ang sabi ng matantanda ang lahat ay nadadaan sa
mabuting usapan ngunit iba ito. iba ang pamamaraan wag na kayong maniwala sa
lumang kasabihan dahil “mas mabilis ang
usapan kung may pera kang nakalaan” Naisip ko ring tumakas nalang ngunit di ko ginawa dahil alam kong mas lalo
lang itong lalala at baka maging most wanted of buenavista pa ako dahil sa kaso
kong driving without licence at damage of property
Nagdatingan ng ang mga tao upang makiusyoso, mayroon ding
mga sumisilip sa kanikanilang mga tindahan unti unti hanggang sa tuluyan na kaming
mapagumpukan, tinatanong nila kong ano daw ba ang nangyari, sino ang may sala?
sino ang nakabangga? kanino daw ba akong anak ? Sunod sunod silang nagtatanong,
sinubukan kung sagutin ang kanilang mga tanong hanggang sa may Dumating na rin na dalawang
pulis sakay sa kanilang scooter na sniper 150 Inimbitahan
nila ako sa presinto kahit di ko naman kaarawan ay talagang nasorpresa nila ako
Samantalang sa presinto ay sinamahan ako ng aking kapatid
habang patuloy siyang umiiyak ang totoo hindi naman yung pangyayaring
nakabangga ako ang nakapagbago sa kin Nagbago ang pananaw ko sa mundo nung
Makita ko ang kapatid kong umiiyak sa harapan ko Iyak sya ng iyak na animoy
papanaw na ako, at parang tinutunaw ako
ng sandaling iyon naninikip ang dibdib ko sa sama ng loob “ bakit nyo
pinapaiyak ang kapatid ko ” ngunit kanino ako may galit Sa pulis ba, sa may ari ba ng van, sa mga tao,
hindi sa sarili ko sinisisi ko ang
sarili ko ako ang dahilan ako ang may sala. Nagbabadya nang tumulo ang aking
luha hindi ako dapat umiiyak sabi ko sa
sarili ko ayaw kong Makita nya akong
umiyak ngunit tiningnan nya ako alam kong pumatak na ang luha ko ng sandaling
iyon at sabay naming dinamayan ang sarili sa pagluha dahil yun lang tangi
naming magagawa
Ayaw ko na maulit ang ganong pangyayari ayaw ko nang may
umiiyak ng dahil sa kin ang sakit sa loob na Makita mo yung mahal mo na umiiyak
ka tapos parang wala kang magawa
Kaya nasabi ko sa sarili ko na na tama na ang mga paglalaro,
tama na ang paglalakwatsa at ang pagliliwaliw. ito na ang panahon para naman
tanggapin ko ang responsibilidad ko sa mga buhay na nakaatang sa akin. ako ang
nakakatatandang kapatid pero mas marami pang nagagawang tama ang mga kapatid ko
kaysa sakin
Kinausap ako ng mga pulis tungkol sa insedenting iyon nagsabi
naman ako ng totoo kahit na nauutal ako sa kanilang paulit ulit na tanong
kinuha nila ang motor ko at ang sabi ng isang pulis ay kailangang si papa daw
ang kumuha nito naisip ko na ibigay na lang ang dalawang libo na hawak ko noon
pero ang sabi ng pulis ay kulang pa daw yun at magpasalamat na lang daw ako sa
may-ari ng van at di ako kinasuhan
Makaraan ang isang buwan
dumating si papa mula sa maynila inayos nya lahat naibalik din sa amin
ang motorsiklo na naimpound Pagkadating nya ay inasasahan ko na magagalet sya
sakin kase motor nya yun pero at di rin ako nagpaalam na gagamitin ko yun pero ay
hindi nya naman ako kinompronta hindi
nya ako tinanong walang galet walang masakit na salita ang lumabas sa kanyang
bibig ngunit para kin mas masakit ang pinaramdam nyang iyon sakin matatangap ko
naman kong kagalitan nya ako at alam kong may kasalanan ako sa kanya tanggap ko rin na nagkamali ako
pero naging maayos naman sya sakin pagdaan ng mga araw Pahapyaw
nya pang sinabi sakin na mas mahalaga ang buhay ko kaysa sa motor at nagumpisa
na nga ang pag eenroll para sa ikatlong taon ko sa kolehiyo nagbabadya na naman
na kami ay maghiwalay Inihatid nya ako sa sakayan t at naghanda nang umalis sa aming bayan na dala ang mga bagong pananaw
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento