Saklap


 

Saklap

 

Magkasama tayong tumawa at humalakhak

Malalayong daan ay sabay na tinatahak

Habang binubuo ang pangarap at balak

Masaya ang buhay kahit ito’y payak

 

Heto ako’t minamasdan ang iyong mga larawan

Aking ginugunita ang ating nakaraan

Ang lahat ng saya, at lungkot na napagdaan

Biglang nalang gumambala  ang mga katanungan

 

Bakit bigla ka nalang nawala’t naglaho?

Iniwan mo akong may bigat sa puso

Bakit mo ako biglaang nilisan?

Na tila ang mundo ay aking pasan pasan

 

Akala ko ba’y magkasama parin tayo sa hinaharap

At ating  tutuparin ang mga pangarap

sakim yaring langit nakuha ka nya sa king ipagkait

pinipilit ko naman magbago’t magpakabait

 

Lumisan ka man sa mundong ito

Mananatili pa rin sakin ang ala-ala mo

Ang bigkis mo sa akin ay di mapapatid

Ang mga kasiyahang tayong lang ang nakakabatid  

 

Marahil kinuha ka para di ka mahirapan

Sa mundo na ito na puno ng labanan

Kahit hanggang ngayon ang sakit ng katotohanan

Alam kong nariyan ka lang upang kami ay gabayan

Mga Komento