Bagyo


 

Matatagpuan ang tahanan ni Mang Gordon sa labas ng syudad. Bagama’t malayo sa syudad ay masasabi na maunlad rin ang kanilang bayan mayroon na rin itong malalaking pamilian at malalawak na mga daanan

Mayroon siyang payak na tahanan at sa likurang bahagi nito ay mayroong taniman na pangunahing hanapbuhay ng kanilang pamilya katuwang niya ang kaniyang asawang si vanessa sa pangangalaga sa kanilang taniman habang ang dalawang anak nila na si charmi at Noelle ang tumutulong sa kanila sa mga Gawain sa kanilang tahanan

Isang araw napadaaan ang kanyang kaibigang matalik na si finral Napansin ni finral na lubhang nahihirapan sa pagpapatubo ng pananim ang kanyang kaibigang si Gordon. Kaya naman inalok sya nito na magtrabaho na lang sa kanya bilang minero o kaya naman ay bilang magtotroso. Ngunit hindi pumayag si Mang Gordon. Aniya matagal na niyang hanapbuhay ang pagtatanim at pagaalaga ng halaman at sinabing namana pa niya ito sa kaniyang mga magulang bukod pa rito ay nakakasira ng kalikasan ang inaalok na trabaho nito sa kanya  At kahit na anong pilit na pangungumbinsi ni luck kay Gordon ay hindi niya ito napapayag. Umalis na si finral matapos ang mahabang diskusyon nilang magkaibigan

Makaraan ang isang lingo  nabalitan ng mang Gordo at ng kanyang mga kanayon na  magkakaroon na isang malakas na bagyo at dadaan ito sa kanilang bayan kaya naman suspendido ang mga pasok sa ilang establisyemento pinagiingat at pinaghahanda rin sila sa bagyong paparating

Naghahanda ang mag-anak sa isang paparating na bagyo. Agad na pinako at itinali ni mang Gordon ang kanilang tahanan sa isang puno upang hindi ito agad na matangay ng hangin. At binisita ni mang gordon ang kanyang taniman. Maliliit pa ang bunga ng kanyang mga pananim at batid niyang wala silang aanihin sa buwang ito Nanalangin na lang sya na hindi magkatotoo ang pingangambahang bagyo ng kanilang bayan

Kinagabihan ay dumating na ang kinakatakutang bagyo palakas ng palakas ang buhos ang ulan at Walang humpay ang hampas ng hangin magkakayakap ang buong pamilya habang patuloy ang nangyayaring bagyo. Sinalanta ng bagyo ang kanilang mga pananim  Maging ang kalahati ng kanilang bubong ay matatanaw na ang langit  Malungkot na pinagmasdan ni charmi at Noelle ang ilan sa mga nasira nilang laruan. Pinagmasdan din niya ang kanilang paligid marami sa mga puno ang nakahambalang sa daan dulot ng nagdaang bagyo. Malungkot ang mag-anak sa napagdaanang nilang trahedya

Nagkaroon din ng baha sa kanilang nayon at pagguho ng lupa kaya’t mabilis na nabuwal ang mga puno dulot ng isinasagawang pag-mimina sa kanilang baryo at pagpuputol sa mga puno

Naiiyamot si mang gordon sa sinapit ng kanilang pamilya. sinisi niya ang kaniyang mga kanayon sa sakunang kasalukuyang nangyayari sa kanila Kahit na punong puno ng kabigatan si mang berting tila tinanggap na ni mang berting na wala siyang lakas upang tutulan ang isinasagawang pagmimina at pagpuputol ng kahoy ng kaniyang mga kanayon

Gustuhin man niyang mabago ang pananaw ng mga taong sumusira sa kalikasan ay batid niyang ito rin lang ang hanapbuhay ng katulad niyang maliliit na sector sa lipunan at lahat  sila’y alipin lang ng kanilang mga pansariling pangangailangan.

Mga Komento