Ulan


 Salamat ulan sa paglinis ng mundo

At sa mga alalalang nananatili sa ulo ko

Ang mga alaala aking iingatan

Mga simple lang ngunit dulot ay kasiyahan

 

Sa tuwing umuulan  ginagawa ang pagtatakip ng tenga

Naaaliw ako sa musikang dala

Hinuhulaan ko kung ulan tumigil na

At kapag naumay ay magpapahinga

 

Naaalala ko rin ang mga sinampay

Magpapaalala si inay siya ay hihiyaw

At kung mahuli sa pagpinaw sya’y mang-aaway

Magiging  masaya sya kung magtatagumpay

 

Tuwing umuulan ang  sarap magtampisaw

Sa buhos ng ulan ako ay sumayaw

Masarap na pantambal ang mainit na sabaw

Lalo’t malamig na panahon ang nangingibabaw

Mga Komento