Pinagpala




 

Pinagpala

Sino sino nga ba ang pinagpapala? Yaon lang bang nakakatanggap ng mamahalin at magagandang materyal na bagay, ang mga taong wala nang pagsidlan ang kanilang mga Salapi, sila na mayroong marangyang pamumuhay. Nagkakamali ka mayaman ka man o mahirap ay pinagpala ka.

Ikaw, ako, tayo at lahat ng tao sa mundo ay pinagpala. Noong tayo ay mga semilya palang wala pa tayong mga titulo walang kaibigan, at walang kahit na ano mang kagamitan nanalo ka na sa karera at  heto ka ngayon nakakapagbasa, nakapagsulat, nakakaguhit at biniyayaan ka pa ng iba’t ibang mga talento.

Pinagpala ka kaibigan.

Noong ako ay haykul pa lamang madalas na magyaya ang aking mga kaklase ng paliligo sa ilog ngunit dahil wala pa naman ako noong kasanayan sa paglalangoy ay ang malalim na ilog na muntikan ng kumitil sa aking buhay samakatuwid ay muntikan na akong malunod ngunit pinagpala pa rin ako binigyan pa rin ako ng isa pang pagkakataon naririto pa rin ako isang buhay na patunay.

Ang lahat ng mga natatanggap nating mga materyal na bagay, pagmamahal, at mga panibagong pagkakataon ay isang pagpapala at ang pagpapala ay dumadating sa mga panahon na hindi natin  inaasahan. mas lalo nating mapapahalagahan ang pagpapala kapag nalampasan natin ang mga hirap o pagsubok ng buhay at patuloy tayong nagpapatuloy.


Mga Komento