O dakila ka ina






Oda-kila ka ina

  

Dakila ka ina, higit kaninuman

Saanman at kailanman, ika’y maaasahan

Sakripisyo mo’y di kayang matumbasan

Ang iyong pag-ibig ay  di mapapantayan

 

Bilib ako sa sayo kahit kami’y magugulo

Napagpapapasensyahan mo ang tigas ng aming ulo

Araw-araw kang kumakayod Parang hindi  napapagod

Yaring lahat ng pagsubok sayo’y lumuluhod    

 

Kaming lahat ay  nasisiyahan

Sa taglay na buti ng iyong katauhan.

Sa iyong  pag-ibig at  pag-aalaga.

Kami ngang lahat ay napapahanga

 

Hindi ako kumpleto  wala ka sa buhay ko

Sayong lingap lang ako nagpapakatotoo

Madami man tayong problema at tampuhan,

Sa huli ikaw parin ang mahal kong ilaw ng tahanan

 

Mga Komento