hiya ah no


 

hiya ah no

 

Ang pangyayaring diko malilimutan

Mainit noon ngunit parang uulan

Katatapos lang naming mananghalian

Kamiy nagbabasketball sa paaralan

 

Nagtatluhan, sinimulan na ang laban

Kawawang bola pinagpasapasahan

Mabilis ang kilos upang makapuntos

Balewala na rin natatamong galos

 

Napasakin ang bola galing ilalim

Pinagkahirapan upang mapasakin

Kailangang mahanap ang papasahan

Nahanap ko ang tamang patutunguhan

 

Sila nga suminyas  ipasa banda don

Tiwala akong makukuha nila yun

Ibinato ko ang bola  buong lakas

Para sa premyong maaring pambigas

 

Ngunit ang maestra biglang umiksena

Di ko nakita kung saan sya nagmula  

Naipasa ko ang bola sa kaniya

Ngunit kanyang ulo ang pinangsalo niya

 

 

Ngitngit ng umalis kinuha ang bola

Nabigla ako sa pangyayaring iyon

Anong nangyari ako ba ang maysala

Yari ako  masungit pa naman iyon

 

Pagkatapos ako nga’y pinagkumpulan

Nagsimula na rin kanilang tanungan

Ikay malalagot saad pa nga nila

Bakit ka namumula ang sabi ng iba

 

Sana nilamon ako ng kalupaan

Akoy nahihiya pag pinagkukumpulan

Kasalanan ko bang siya’y tinamaan

Ngunit kailangan ko ito na harapin

 

Lakad matatag sa silid ng maestra

Sa kanyang tawad ako ay umasa

Pagkatapos ng sandamakmak na sermon

Sa pagpapatawad sakin sya’y tumugon

Mga Komento