ang tanong ng Anak


 Anak 


Ama’t ina kumusta na

Ako ay may alintana

Kayo ba saki’y masaya ?

O dahilan ng mga luha

 

Salamat aking magulang

Marami mang pagkukulang

Akoy pinagtiwalaan

Patuloy na iningatan

 

Patawad sa king mga sala

Saan man ako mapunta

Patuloy na mamahalin

Gayun din ang manalangin

  

Kilometro’y namagitan

Pero di mapapalitan

Pagmamahal at tulungan

Di iyon mapapantayan

 

Sino ako sa tahanan ?

Ewan ko at ewan natin

Pasaway din ako minsan

Minsa’y hindi masunurin

 

Sino ako sa bilang anak

Kasaguta’y di ko tiyak

Magulang ko ang Sasagot 

Sa katanungang naudlot


Ina ikaw ang magpasya

Ama ikaw ang humusga

Ang aking bang mga gawa

Sa inyo’y nagpapasaya?

Mga Komento