Aw-wit




 Ako at ang aking awit

Naging bahagi nang buhay ko ang musika mula pa noong aking pagkabata mahilig ding makinig ang aking ama namana ko siguro ang katanginang iyon sa kanya una akong nakapakinig ng musika syempre sa bibig ng aking ina noong ako ay henehele pa nya ngunit nang mamumulat ang aking kamalayan napapakinggan ko ang ibat ibang genre ng awitin sa luma naming radio

Natatandaan ko parin ang hitsura nuon kulay pilak at halos kasing laki lamang ito ng helmet  pakwadrado na mayrong lagayan ng siyam na baterya sa likod. maraming pindutan isang libong beses ko yung pinindot hangang sa masira pagkatapos pinalo ako ni mama Bumili naman sila ng bago.

Nakikibagay ang anumang uri ng musika sa pakiramdam ko sumasaya ako nalulungkot at nageemote emote depende sa genre ng kanta At kung minsan nakikinig ako ng musika upang mapataas ang aking enerhiya sa tuwing may gagawing akong makabuluhang bagay

Napili ko ang musika ni linkin park na pinamagatang the messenger dahil ito ang naging inspirasyon ko upang magpatuloy at tumayo muli sa tuwing magkakamali ako ng desisyon sa aking buhay

“ When you feel you're alone Cut off from this cruel world Your instincts telling you to run Listen to your heart Those angel voices They'll see you to you They'll be your guide Back home where life leaves us blind Love keeps us kind It keeps us kind ”

Sa kabuuan ng musika ang intro lang  ng musika ang tumatak sa isipan ko Nagsilbi itong aral sa akin nakaranas din ako ng para bang pasan ko na ang mundo At iniwan ako ng lahat na parang bang gusto ko na lang lumayo at sumuko yung tipong wala kang ibang aasahan kundi ang sarili ko  ngunit mayroong bumubulong sa utak ko manatiling magpatuloy lumaban at maniwala di ko alam kong anghel ba yon o konsenya

Ngunit habang nagkakaedad ako at  maraming nalalaman mas nararamdaman ko ang lungkot mas mainam pa siguro nung bata ako kaunti lang ang alam ko pero masaya naman ako Masaya ako kahit na pinagpapasan ako ng mga kahoy na gagamiting pang uling  Di  mo ko maririnig na nagrereklamo habang nagtitimbon ng niyog kase sa isip ko yun ginagawa masaya kahit na sardinas lang ang ulam kahit asin nga lang eh pwedi na

Ngunit ngayon nakakatamad na yang ganyang bagay. Di na masaya kung gagawin ko pa yan

Ngayon nga eh nasa ika apat na taon na ako ng kolehiyo pero ultimo paggawa ng mga gawaing sa paaralan kwenikwestyon ko na rin ang sarili bat ko ba ginagawa ang ganyang bagay pano yan makakatulong sa pagtatrabaho eh Nakakapagtrabaho naman ako  

Balik na lang kaya ako sa pagkabata magdudukal na lang ako ng lupa mas madali yun di ko na kailangan mag isip nakakahilo pag ginagamit ang utak

Alam ko yung ibang pangungusap  walang konekta dun sa kantang napili ko pero ito kasi ang nararamdaman ko nga yon hayaan nyo bukas iba na naman ang prinsipyo ko

 

Mga Komento