Nais kong Gunitain ang mga panahon ng aking kabataan
Panahong inosente at kaunti pa ang alam
Ang maraming pagtatanong
Sapagkat Maraming nais malaman
Ang masaya kong alaala at sandali
Doon lang sa mga kanto sa mga simpleng kwentuhan
Asaran , kulitan pikunan at walang tagayan
Sa mga tambayang di nauubusan ng kalokohan
Napakabait kong bata noon pa man
Palagi akong lumiliban sa klase
Kapag may dalaw ng katamaran
Ang tambayan ko din noon ay ilog at mga gubat
Sawayin man ng guro at magulang ay di nagpapaawat
Naaalala ko pa Ang masayang kwentuhan sa maisan
Ang pagsuot sa sapot ng kamotehan
Sa may likod na bahagi ng aming paaralan
Kasama ko mga kaklase ko at ilang kaibigan
Isasama ko na rin dito lahat ng pangit kong karanasan
ang mga pasa, suntok at galos na aking nalampasan
dahil akoy lumaban o hindi lumaban
dahil sa panahong ito yaon ay tinatawanan ko nalang
Marami akong dapat ipagpasalamat
Sa masasayang araw na aking napagdaanan
Ang pagpapasalamat ng mga taong aking tinulungan
Ang pagmamahal na alay ng mga taong malapit sa akin
at pagpapala ng Maykapal sa panahong di ko inaasahan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento