Ang aking pangarap sampong taon mula ngayon



 

Sino nga ba ako makalipas ang sampong taon? walang makapagsasabi, maaring akoy nasa itaas o nasa ibaba ng mga taong ikukumpara sa akin, pero paano kung nasa ilalim na ako ng hukay ng panahong iyan. Kung maaga man akong mawawala sa mundo doon lamang titigil ang aking pangarap. dahil sa bawat araw ay patuloy na nadadagdagan ang mga gusto kong makamit sa aking buhay

Kung paguusapan ang aking pangarap hayaan nyong ilarawan ko sa inyo ang aking mga natatanaw sa hinaharap at  ang mga nais kong makamit

Nakikita ko ang sarili ko bilang mas matalino, mas matatag sa mga pagsubok at matagumpay

Marahil ay isa na akong opisyal ng militar sa mga panahong iyan at mayroong mga galos sa katawan na naging bunga ng aking pagsasanay, matikas ang tindig at laging preparado sa bawat laban

Mayroon na ring akong naipundar na aking sariling tahanan. Isang malaki at maangas na tahanan Isang tahanan na  magiging kanlungan ng aking pamilya at kaibigan

Makakapagpundar na rin ako ng sasakyan isang motorsiklo at isang kotse na aking magagamit sa paglalakbay at pambababae, biro lang, ang nais ko ay makatagpo ng isang babaeng tapat sa akin at susuporta sa aming mga nais makamit sa buhay

At halos lahat ng aking mga kapatid ay natulungan ko nang makapagtapos sa kanilang pag-aaral at patuloy pa rin  kaming magtutulungan upang maiangat ang aming pamumuhay

At dahil Unti- unti ko na ring masisilayan ang kulay pilak na buhok ng aking mga magulang aalagaan ko sila at dadamayan sa kanilang pagtanda ibibigay ko sa kanila ang karangyaang di pa nila nakakamit

Tutulungan ko din ang ibang tao gaya ng mga taong tumulong sa akin na makamit ang mga pangarap ko at ang lahat ng ito ay hindi mananatiling pangarap unti unti ko itong tutuparin gabayan sana ako ng Diyos. Patuloy pa rin akong mangangarap  kahit na natupad ko na ang aking mga pangarap sa ngayon yan muna

Dream house picture

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento